Impluwensya ng droga, itinuturong dahilan ng pagtaas ng mga kasong kinasasangkutan ng mga bata

by Radyo La Verdad | July 14, 2016 (Thursday) | 5241

TEEN-DRUGS
Marami pa rin ang mga kabataang nakagagawa ng krimen sa bansa at ayon sa Philippine National Police karamihan dito ay dahil sa impluwensya nang ipinagbabawal na gamot.

Noong 2015, umakyat sa 11,616 ang mga kaso ng kinasasangkutan ng mga bata.

Ang limang krimen na madalas masangkot ang mga kabataan ay ang theft na nasa 4807, physical injuries na nakapagtala ng 2482, robbery na may 744 kaso, rape na may 653 kaso at illegal na droga o R.A 9165 na nasa 322.

Nito namang Enero hanggang Mayo ng 2016, nakapagtala ng 4,343 kaso na kinasasangkutan ng mga bata.

At nanguguna pa rin ang theft, physical injuries, rape, robbery at illegal drugs sa mga kaso ng mga kabataan.

Batid ni Women and Children Protection Center Director Rosauro Acio ang nakakaalarma ang bilang na ito, ngunit sa kaso ng mga minor de edad ang tanging papel ng PNP ay i-turnover sila sa Department of Social Welfare and Development.

(Lea Ylagan/UNTV Radio)

Tags: ,