Implementing Rules and Regulations para sa libreng edukasyon sa kolehiyo, nilagdaan na

by Radyo La Verdad | March 27, 2018 (Tuesday) | 4869

Simula ngayong School Year 2018-2019, libre na ang tuition at miscellaneous fees sa mga state and local universities and colleges at maging sa registered Technical Vocational Education and Training (TVET) para sa lahat ng Pilipinong mag-aaral sa buong bansa.

40 bilyong piso ang pondong inilaan ng pamahalaan para sa unang taon ng implementasyon nito.

Ayon kay Commission on Higher Education Officer in Charge Prospero Devera III, nakasaad sa nilagdaang Implementing Rules and Regulations (IRR) na lahat ng estudyanteng mapatutunayang hirap sa buhay at ang may mga kapansanan ay makatatanggap ng allowance bukod sa libreng tuition.

Mayaman o mahirap ay maaaring mag-avail pero may ilan lamang silang panuntunan para dito.

Sa opt out mechanism ng programa, maaaring kusa nang hindi mag-avail ang mga estudyanteng may pinansiyal na kapasidad magbayad ng matrikula.

Samantala, hindi naman maaaring bigyan ng libreng edukasyon sa kolehiyo ang mayrooon ng bachelor’s degree.

Ang mga nakatugon sa mga requirement na hinihingi ng kanilang paaralan at ang mga hindi natapos o naipasa ang unang kursong kinuha sa ilalim ng programa.

Sa lahat ng may katanungan maaring mag-email sa unifastra10931@gmail.com o tumawag sa 8888 o magtext sa 09994445996.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,