Implementasyon ng zipper lane, hindi muna itutuloy ngayong araw

by Radyo La Verdad | January 23, 2017 (Monday) | 912

zipper-lane
Hindi na muna itutuloy ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang planong pagbubukas ng zipper lane sa bahagi ng Cubao main avenue hanggang Ortigas fly-over ngayong araw.

Ito ay matapos na magdulot ng mabigat na trapiko sa ilang bahagi ng EDSA northbound ang dry run nito na isinagawa noong Biyernes.

Ayon sa MMDA, muli nilang pag-aaralan ang pagpapatupad ng nasabing plano, upang matukoy kung papaano pa mas magiging epektibo ang implementasyon nito.

Sa ngayon ay hindi pa matukoy ng ahensya kung kailan opisyal na maipatutupad ang bagong traffic management scheme.

Tags: ,