Implementasyon ng single ticketing system, sisimulan na sa Setyembre

by Radyo La Verdad | August 4, 2023 (Friday) | 5219

METRO MANILA – Tuloy na sa Setyembre ang pagpapatupad ng single ticketing system sa Metro Manila.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson Atty. Don Artes na natanggap na nila ang mga handheld ticketing device na binili ng ahensya.

Ito ay ipapagamit sa mga traffic enforcer para sa implementasyon ng single ticketing system.

Samantala itinurnover nitong August 2 ang 30 handheld device sa 5 lokal na pamahalaan, na unang nagpatupad ng single ticketing system.

Kabilang dito ang San Juan City, Parañaque city, Muntinlupa City, Caloocan City, at Valenzuela City.

Habang ang Quezon City naman ay bumili ng sarili nitong handheld ticketing device.

Ang mga naturang device ay naka-customize depende sa mga alituntunin at pangangailangan ng bawat lokal na pamahalaan.

Tags: ,