Implementasyon ng jeepney modernization program ng pamahalaan, uumpisahan na sa susunod na taon

by Radyo La Verdad | December 13, 2017 (Wednesday) | 7472

All systems go na ang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program ng pamahalaan sa susunod na taon.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, sa Biernes magkakaroon ng pilot testing sa implementasyon ng PUV Modernization Program sa Tacloban City.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, may tatlong developmental routes na ang naaprubahan sa tatlong relocation sites ng lungsod.

Subalit muling nagpaabot ng kanilang pagtutol ang ilang jeepney operator at drivers sa programa.

Iginiit naman ng LTFRB na walang magiging pagtaas sa pamasahe kapag ipinatupad na ang modernization program.

Samantala, may panibagong babala naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga transport group na  Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON.

Lumalala umano ang suliranin sa polusyon sa hangin sa bansa subalit nananatiling nagmamatigas ang mga ito laban sa jeepney modernization program ng pamahalaan.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,