Implementasyon ng fare discount sa mga PUV, inihahanda na ng LTFRB

by Radyo La Verdad | March 16, 2023 (Thursday) | 20852

METRO MANILA – Pinaghahandaan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang gagawing pagpapatupad ng diskwento sa pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Batay sa rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr), ibabalik sa dating halaga ang pasahe bago magpandemya.

Mula sa kasalukuyang P12 na minimum fare sa mga tradisyunal na jeep, magiging P9 ito. Habang P11 naman sa mga modern jeep mula sa P14 na minimum fare.

Ayon sa LTFRB, posibleng umabot lang ng 6 na buwan ang service contracting program na may mahigit P2B pondo.

Umaasa ang LTFRB na madadagdagan pa ang pondo para umabot hanggang katapusan ng taon ang gagawing fare discount sa mga mananakay.

Tags: , , ,