Impeachment trial, maaari pa ring ituloy kahit may desisyon na ang SC sa quo warranto case CJ Sereno – SP Pimentel

by Radyo La Verdad | April 26, 2018 (Thursday) | 1981

Nakadepende pa rin sa Kamara kung matutuloy ang impeachment trial kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Senate President Aquilino Koko Pimentel, kinakailangan nilang mag-convene bilang impeachment court kapag dumating na ang articles of impeachment, may desisyon man o wala ang Korte Suprema sa quo warranto petition laban sa punong mahistrado.

Ayon sa senate president, kung sakaling lumabas ang SC ruling sa quo warranto sa kalagitnaan ng kanilang impeachment trial, may posibilidad na pagbotohan ng senator judges kung kikilalanin ang desisyon ng korte.

Ayon kay Pimentel, may posibilidad na baligtarin ng impeachment court ang magiging desisyon ng katas-taasang hukuman sa kaso na layong mapatalsik sa pwesto si CJ Sereno.

Dahil dito, ayon kay Senator Pimentel, hindi maiiwasang pag-usapan ang isyu ng constitutional crisis dahil sa posibilidad na magkaroon ng  banggaan ang impeachment court at Korte Suprema.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,