Impeachment complaint vs Ombudsman Morales, planong buhayin sa Kamara

by Radyo La Verdad | February 2, 2018 (Friday) | 4050

Nananawagan sa mga kongresista si dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras na i-endorso na ang kanilang impeachment complaint laban kay Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Hanggang ngayon, nakabinbin pa ang reklamo sa opisina ng house secretary general dahil walang nag-eendorso.

Naniniwala si Paras na dapat nang alisin sa pwesto si Morales kasunod ng pagbalewala nito sa suspension order ng Malakanyang kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.

Bago pa ang ihainang impeachment complaint laban kay Ombudsman Conchita Carpio Morales noong December 2017, kinumpirma na ni House Speaker Pantaloon Alvarez na may mga kongresistanang nagsabi sa kanya na nais mag-endoroso nito.

Pero ayon kay Paras, tila nagbago ang isip ng ilang kongresista at natakot ang na baka balikan ni Morales.

Handa naman umano ang House Committee on Justice na dinggin ang reklamong ito oras na may kongresistang mag-endorso.

Sa ngayon, wala pang tugon si Ombudsman Morales sa isyu. Pero ipinagtanggol naman ito ni Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin.

Aniya, kapuri-puri naman ang ginawang pagtatanggol ni Morales sa kanilang opisina laban umano sa pang-aatake ng administrasyon.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,