May mga depektong nakita si House Committee on Justice Chairman Rey Umali sa mga dokumentong isinumite ng mga impeachment complaint laban kay COMELEC Chairman Adress Bautista. Gaya ng verification at pangalawa ay wala silang isinumiteng authentic records na magpapatunay sa kanilang alegasyon.
Umapela naman sa komite ang endorser ng complaint na si Kabayan Partylist Rep. Harry Roque na tanggapin ang bagong verification document na kanilang isinumite. Kaya umano nilang patunayan na may personal knowledge si Tish Bautista para patunayan sa kumite ang mga umano’y tagong kayamanan ng poll chief.
Ngayong araw didinggin ng Justice Committee ang impeachment complaint laban kay COMELEC Chair Bautista. Ipauubaya na ni Cong. Umali sa desisyon ng mga miyembro ng komite kung tatanggapin nila ang mga bagong dokumentong isinumite ng mga complaints para palitan ang mga depiktibong dokumento na una nang nai-hain sa kumite.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: COMELEC, impeachment complaint, Rep. Umali