Impeachment complaint vs COMELEC Chair Andres Bautista, ipinasa na opisina ng House Speaker

by Radyo La Verdad | August 28, 2017 (Monday) | 2400

Ipinasa na ng Office of the House Secretary General sa opisina ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang impeachment complaint na inihain sa Kamara laban kay COMELEC Commissioner Andres Bautista. Nakasaad sa memorandum na ito ay itinuturing nang verified complaint matapos iendorso ng tatlong kongresista.

Ayon kay House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali, may 10 session days ang Office of the Speaker para i-refer ang complaint sa Justice Committee. Pagdating sa kumite, aalamin kung ito ay sufficient in form, sufficient in susbstance at kung may probable cause.

Una nang sinabi ng mga complainant na gagawin nilang testigo si Mrs. Tish Bautisa laban sa asawang si Chair Bautista dahil si Tish umano ang may personal knowledge sa ilan sa mga mabibigat na alegasyon.

Subalit ayon kay Umali, maaaring magkaroon ng problema. Oras na pumasa sa kumite ang impeachment complaint, dadalhin na ito sa plenaryo, nangangailangan doon ng 99 na boto o one third vote ng lahat ng miyembro ng Kamara para maiakyat ito sa senado na syang tatayong impeachment court.

 

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,