Impeachment complaint vs CJ Sereno, kinakitaan ng grounds ng House Committee on Justice

by Radyo La Verdad | October 6, 2017 (Friday) | 4069

Kinakitaan ng sapat na basehan ng Committee on Justice ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at ipinasa sa botong 25-2. Ibig sabihin, nakita nilang impeachable offense ang mga alegasyong nakasaad sa reklamo.

Ilan sa dalawampu’t pitong alegasyong na nakasaad sa impeachment ay ang tungkol sa:

– maluho umano nitong pamumuhay

– madalas na pagbiyahe

– hindi tamang deklarasyon sa SALN

– pagbili ng mamahaling sasakyan

– at pag doktor sa mga TRO at resolusyon sa korte

Dismayado naman sa naging takbo ng pagdinig ang mga abugado ni CJ Sereno.

Ipatatawag na ng kumite ang mga testigo kabilang na ang mga Supreme Court Justices. Dito aalamin naman kung ang reklamo ay may probable cause.

Kapag pumasa sa plenaryo, dadalhin na ito sa Senate Impeachment Court para simulan ang pormal na paglilitis. Dito obligado nang humarap sa mga senador na tatayong mga hukom si CJ Sereno.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,