Impeachment complaint ni Atty. Gadon vs CJ Sereno, ‘sufficient in form and substance’ – House Justice Committee

by Radyo La Verdad | September 14, 2017 (Thursday) | 1492

Sufficienct in form and substance ang impeachment complaint na inihain ni Atty Larry Gadon laban sa punong mahistrado ng Korte Suprema. Sa pagdinig sinabi ni Majority Floor Leader Congressman Rudy Fariñas na hawak na ng kumite ang orihinal na kopya ng mga dokumento na galing sa Supreme Court.

May sampung araw naman si Sereno para sagutin ang mga alegasyong nakasaad sa complaint base sa rules of impeachment. Sa susunod na pagdinig ng kumite aalamin na ng kumite kung ang reklamo ay may probable cause. Dito narin pahaharapin ang mga testigo. Ayon kay Gadon, 6 na Supreme Court Justices na umano ang handang tumestigo laban kay CJ Sereno.

Samantala, dinismiss naman ng kumite ang inihaing impeachment complaint ni Dante Jimenez ng VACC at Atty. Eligio Mallari ng Vanguard dahil unverified umano ito.

Ngunit nakiusap ang mga complainant na payagan silang ayusin ito bago tuluyang idismiss. Subalit ayaw nang magsayang ng oras ang kumite sa isang unverified complaint.

 

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: ,