Impeachment complaint laban sa 7 mahistrado ng SC, dinismiss ng House committee on justice

by Radyo La Verdad | September 12, 2018 (Wednesday) | 17542

Sa botong 23-1, hindi na nakapasa sa sufficiency in substance ang impeachment complaint na inihian nina Albay Representative Edcel Lagman laban kina Supreme Court Associate Justices Lucas Bersamin, Diosdado Peralta, Francis Jardaleza, Noel Tijam, Andres Reyes, Alexander Gersmundo at kay Chief Justice Teresita De Castro.

Sa kasagsagan ng pagdinig, iginiit ni Lagman na ang hindi pag-inhibit ng mga nasabing mahistrado sa pagboto sa quo warranto petition laban kay dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, sa kabila ng kanilang hayagang paglalabas ng sama ng loob kay Sereno sa kasagsagan ng impeachment proceedings sa Kamara.

At ang pagkuha umano nito ng kapangyarihan ng Kamara na magtanggal sa pwesto ng isang impeachable officer ay malinaw na impeachable offense.

Pero tinutulan ng mga kongresista ang argumento ni Lagman dahil ginagawa lang umano ng mga mahistrado ang kanilang trabaho.

Batay naman sa rules ng Kamara, maaari pang mabaliktad ang desisyon ng House committee on justice kung ang reklamo ay makakakuha ng 1/3 na boto ng lahat ng mga kongresista.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,