Impeachment complaint laban sa 7 mahistrado ng Korte Suprema, sufficient in form – Kamara

by Radyo La Verdad | September 5, 2018 (Wednesday) | 4087

Napatunayan ng House committee on justice na dumaan sa tamang proseso ang impeachment complaint laban kina Supreme Court Associate Justices Lucas Bersamin, Diosdado Peralta, Francis Jardaleza, Noel Tijam, Andres Reyes, Alexander Gersmundo at Chief Justice Teresita De Castro.

Ibig sabihin, verified ng house secretary general ang complaint, pirmado at sinumpaan ng mga complainant na sina Albay Representative Edcel Lagman, Magdalo Partylist Representative Gary Alejano at Ifugao Representative Teddy Baguilat.

Kaya naman nagdesisyon ang komite na sufficient in form ang reklamo.

Ang grounds laban sa pito ay culpable violation of the constitution dahil sa umano’y pagkuha ng mga ito ng kapangyarihan ng Kongreso para tanggalin sa pwesto ang isang impeachable officer patrikular na sa kaso ni dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Inakusahan naman ng hiwalay na betrayal of public trust sina Associates Justices, Peralta, Bersamin, Tijam, Jardeleza at si Chief Justice De Castro dahil sa hindi umano nila pag-iinhibit sa botohan sa quo warranto petition kay Sereno sa kabila ng lantaran nilang pagpapahayag ng sama ng loob dito sa kasagsagan ng impeachment proceedings sa Kamara.

Ipagpapatuloy sa ika-11 ng Setyembre ang pagdinig, dito aalamin naman kung ang reklamo ay sufficiency in substance.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,