Impeachment complaint laban kay Comelec Chairman Andres Bautista, inihain sa Kamara

by Radyo La Verdad | August 23, 2017 (Wednesday) | 3676

Tatlong kongresista ang nag-endorso ng impeachment complaint laban kay Comelc Chairman Andress Bautista. Ang batayan ng reklamo ay betreyal of public trust dahil sa umanoy mga tagong yaman ni Bautista na binulgar ng kanyang asawang si Tish at ang hindi tamang deklarasyon nito sa kanyang Statement of Assests Liabilities and Net worth o SALN.

Naniniwala naman ang mga endorsers na sina Kabayan Party-list Rep. Harry Roque, Cavite Rep. Abraham Tolentino at Deputy Speaker Cebu Rep. Gwen Garcia na may sapat na batayan para mapaalis sa pwesto si Chairman bautista.

Samantala, pinayuhan naman ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon si Bautista na magleave na habang maaga. Ito ay upang hindi na madamay pa ang integridad ng buong ahensya sa gitna ng isyung kinakahap nito ngayon.

Hindi tinuloy ang deliberasyon ng 16.1 billion pesos 2018 proposed budget ng COMELEC dahil sa hindi pagdalo ni Bautista.

Kaya ang minorya sa Kamara, pinagre-resign na si Bautista at nagbanta na haharangin nila ang pagbibigay ng pondo sa COMELEC.

 

(Grace  Casin UNTV Correspondent)

 

 

 

 

 

 

Tags: , ,