Nag-iipon pa ng mas mabibigat na ebidensya si Atty. Larry Gadon laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno para sa impeachment complain na nakatakda nitong ihain sa Kamara.
Noong Miyerlukes hindi nya naihain ang kanyang complaint dahil may hiling umano sa kanya ang mga nakausap niyang Kongresista.
Kabilang ang hindi umano tamang pagdedeklara ni Sereno ng mga pag-aari sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN sa mga basehan ni Atty. Gadon ng isasampang impeachment complaint.
Subalit ayon kay Majority Floor Leader Congressman Rudy Fariñas, nabasa na nya ang complaint ni Atty. Gadon at tanging mga balita lamang sa diyaryo ang basehan nito sa kaniyang mga alegasyon.
Kaya naman pinayuhan niya ito na humingi sa Korte Suprema ng mga dokumentong magpapatunay sa kanyang akusasyon laban sa punong mahistrado.
Una nang sinabi ni Committee on Justice Chairman Congressman Rey Umali na magdudulot lang ito ng delay sa mga panukalang batas na dapat unahing ipasa sa lower house.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: Atty. Larry Gadon, CJ Ma. Lourdes Sereno, impeachment complaint