Impeachment committee, wala pang planong imbitahan ang iba pang SC Associate Justices

by Radyo La Verdad | December 19, 2017 (Tuesday) | 2051

Itinanggi ng Impeachment and House Justice Committee Secretary ang napabalitang may inimbitahan silang lima pang Supreme Court Justices upang humarap sa pagdinig ng Kamara.

Sinabi naman ni Impeachment Committee Chairman Reynaldo Umali na pinag-aaralan pa nilang mabuti kung kailangan pang imbitahan ang iba pang Supreme Court Associate Justice sa pagdinig.

Pero kung si House Speaker Pantaleon Alvarez ang tatanunin, hindi na umano tatagal pa ang pagdinig ng impeachment sa Kamara.

Nanindigan naman ang kampo ni CJ Sereno na hindi impeachable offense ang mga testimonyang binitawan ng mga inimbitahang testigo ng kumite.

Pero ang complainant na si Atty. Larry Gadon, kumpiyansang makakakuha ng sapat na boto sa Kamara. Ang impeachment proceedings sa Kamara ay ipagpapatuloy sa January 15, 2018.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,