Imbestigasyon vs Ex-PNoy et al sa umano’y election ban violation kaugnay ng Dengvaxia, ipauubaya na sa COMELEC

by Radyo La Verdad | February 5, 2018 (Monday) | 3468

Dumistansya ang Malacañang sa aksyon ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC na pagsasampa ng reklamong paglabag sa Omnibus Election Code laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III at nasa dalawampung iba pang dating opisyal.

Kaugnay ito sa pagrerelease ng pondo ng pamahalaan para bilhin ang 3.5 billion pesos na Dengvaxia vaccines 45 araw bago ang May 2016 elections. Sa kabila ito ng umiiral na election ban sa government projects.

Ayon sa mga complainant, paglabag ito sa section 261 ng Batas Pambansa 881. Bukod kay Aquino, kasamang inireklamo sina dating Budget Secretary Butch Abad at dating Health Secretary Janette Garin.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nais umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaubaya na lamang sa Commission on Elections ang imbestigasyon tungkol dito.

Dagdag pa ng kalihim, isang independent constitutional commission ang COMELEC at dapat ay pabayaan ito na resolbahin ang mga isyung idinudulog sa kanilang opisina.

 

( Macky Libradilla / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,