Imbestigasyon sa Xiamen-NAIA runway accident, isasagawa ng Senado sa ika-29 ng Agosto

by Radyo La Verdad | August 24, 2018 (Friday) | 15571

Sisimulan na ng Senado ang imbestigasyon kaugnay ng aksidente ng Xiamen airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) runway sa susunod na linggo, ika-29 ng Agosto.

Pangunagunahan ng komite ni Senator Grace Poe ang imbestigasyon sa NAIA runway mishap.

Kabilang sa mga imbitado sa pagdinig ay sina Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, Manila International Airport Authority General Manager Eddie Montreal, POEA Chief Bernard Olalia at mga kinatawan mula sa Xiamen airlines.

Aalamin ng Senate committee on public services ang mga dahilan ng pagkaparalisa ng operasyon ng airport kung saan libo-libong pasahero ang naapektuhan.

Tags: , ,