Kinumpirma na ng Armed Forces of the Philippines ang pagdukot sa sampung Indonesian nationals sa Tawi-Tawi.
Natagpuan ang sinakyang tug boat ng mga dinukot na may pangalang Brahma 12 na abandonado sa Languyan Tawi-Tawi nitong Lunes.
Ayon sa Spokesman ng AFP na hindi pa nila natutukoy ang nasa likod ng pagdukot.
“The information we have recieved indicates that a certain group did the abduction high at sea by the use of motorized banca, however we could not categorically say what group this is until we have the enough information to confirm that these allegation is true.” Pahayag ni AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla Jr
Ayon sa Indonesian Foreign Ministry dalawang beses na nakatanggap ng tawag sa telepono ang may-ari ng tug boat na sinakyan ng mga biktima.
Sinabing may-ari ng tug boat na humihingi ng ransom money ang tumawag na hinihinalang miyembro ng Abu Sayaff.
Ayon naman sa tagapagsalita ng AFP na si Brig. General Restituto Padilla Jr. nangangalap pa sila ng karagdagang impormasyon sa naganap na kidnapping.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na tinangay rin ng mga kidnaper ang navigational equipment ng tug boat.
Hindi muna inilabas ng military ang mga pangalan ng mga nakidnap na Indonesian.
Nagtungo kahapon si AFP Chief of Staff Hernando Irreberi sa WesMin Com upang personal na pangunahan ang imbestigasyon.
Makikipag-tulungan na rin ang PNP sa imbestigasyon ng AFP sa kidnapping incident.
Inaasahan ng AFP na kaagad na magbibigay ng mga kinakailangang impormasyon ang may-ari ng tug boat gayundin ang mga pangalan ng mga crew na dinukot ng hinihinalang Abu Sayaff.
(Joan Nano/UNTV NEWS)