Imbestigasyon sa tatlong umano’y narco-generals, tapos na – NAPOLCOM

by Radyo La Verdad | February 6, 2017 (Monday) | 2745


Tapos na ang imbestigasyon ng National Police Commission o NAPOLCOM sa tatlong tinaguriang narco-generals ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao, naisumite na nila sa Office of the President ang resulta ng pagsisiyasat.

Hindi na idinetalye ni Casurao ang nilalaman ng kanilang report at ang pangulo na ang maghahayag nito sa publiko.

Kabilang sa mga isinailalim sa imbestigasyon dahil sa umano’y pagkakasangkot sa illegal drugs ay sina dating National Capital Region Police Office Chief Director Joel Pagdilao, dating Quezon City Police District Head Chief Supt. Edgardo Tinio at Chief Supt. Bernardo Diaz.

Bukod sa tatlo, kabilang din sa idinadawit sa illegal drugs operation sina retired General Marcelo Garbo at Daanbantayan Cebu Mayor Retired Chief Supt. Vicente Loot.

Tags: ,