Imbestigasyon sa paglaganap ng illegal na droga sa Bilibid, tuloy sa kabila ng disinformation campaign – Sec. Aguirre

by Radyo La Verdad | September 5, 2016 (Monday) | 1337

RODERIC_AGUIRRE
Magpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng DOJ sa paglaganap ng illegal na droga sa New Bilibid Prison sa kabila ng umano’y disinformation campaign laban dito.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, patuloy silang nakakatanggap ng mga impormasyon tungkol sa illegal drugs trade sa Bilibid.

Una nang napaulat na dalawang dating empleyado ng DOJ ang nagbigay na ng salaysay upang idawit si dating Secretary at ngayon ay Senador Leila De Lima sa operasyon ng iligal na droga sa Bilibid.

Ngunit itinanggi ito nina Edna “Bogs” Obuyes at Jonathan Carranto.

Itinanggi rin ni Obuyes na sa kanya ang bank account kung saan idineposito umano ang 24-million pesos sa kanyang pangalan noong 2014.

Iginiit naman ni Aguirre na ang kampo ni De Lima ang nasa likod ng disinformation campaign upang sirain ang kanilang imbestigasyon.

Ayon pa sa kalihim, malalim ang pinanggagalingan ng pagpapakalat ng maling impormasyon.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , ,