Imbestigasyon sa pagbagsak ng eroplano sa Costa Rica noong December 31, aabutin ng ilang buwan

by Radyo La Verdad | January 5, 2018 (Friday) | 4303

Aabutin pa ng ilang buwan bago malaman ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano sa Costa Rica na ikinamatay ng labindalawang tao noong bisperas ng pagpapalit ng taon.

Ayon sa Civil Aviation Agency ng naturang bansa, ito ay dahil lawak ng pinsalang tinamo ng naturang aircraft at kawalan nito ng flight data recorder.

Nasa Costa Rica ngayon ang mga expert mula sa U.S. National Transportation Safety Board upang tumulong sa imbestigasyon kasama ang mga tauhan ng Federal Aviation Administration and Cessna, na siyang gumawa sa eroplano.

Kasama sa tinitignan ng mga imbestigador ang weather condition nang mangyari ang aksidente.

Tags: , ,