Imbestigasyon sa napapatay na drug personalities sa police operations at extra judicial killings, inindorso na sa komite ng Senado

by Radyo La Verdad | July 28, 2016 (Thursday) | 1103

DE-LIMA
Inihahanda na ang listahan ng mga iimbitahang resource persons sa isasagawang imbestigasyon kaugnay sa mga napapatay sa anti-illegal drug campaign ng PNP.

Ito’y matapos na pormal ng ma-endorso sa komite ni Senador Leila de Lima na Justice and Human Tights ang imbestigasyon sa extra judicial killings.

Habang secondary committee naman ang Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senador Panfilo Lacson.

Ayon kay Senador De Lima, walang problema sa kanya kung maghihiwalay ng imbestigasyon ang dalawang komite.

Nais ng senadora na mabatid ang tunay na datos ng mga umano’y biktima ng extra judicial killing at mga napatay na mga taong sangkot sa iligal na droga.

Umaasa rin si De Lima na makikipagtulungan ang mga ahensya ng pamahalaan sa isasagawa niyang hearing.

Layunin ng pagdinig na gumawa ng panukalang batas upang palakasin pa ang law enforcement agencies at charter ng Commission on Human Rights.

Nakahanda namang tumulong si Senador Antonio Trillanes na miyembro ng minority group sa imbestigasyon na gagawin ni Senador De Lima.

Ayon naman kay Senador Lacson ipaubaya na lang sa government agencies ang pag-iimbestiga sa umano’y extra judicial killings.

(Bryan de Paz/UNTV Radio)

Tags: