Imbestigasyon sa Mamasapano, dapat ituloy – Sen. Alan Cayetano

by monaliza | March 19, 2015 (Thursday) | 1867

CAYETANO

Isinusulong ni Senador Alan Peter Cayetano ang pagpapatuloy ng imbestigasyon sa Mamasapano operation.

Ito’y sa kabila ng paglagda niya sa draft report ng Senate Committee on Public Order and Safety ni Sen. Grace Poe na nagsasabing may pananagutan si Pangulong Noynoy Aquino sa operasyon.

Ayon kay Cayetano, kulang pa ang naturang report at kailangan pa makakuha ng iba pang impormasyon sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado.

Aniya hindi pa nalalaman ng taumbayan ang buong katotohanan sa pangyayari at kailangan din na tanungin pa sina dating PNP Chief Alan Purisima, AFP Chief of Staff Gregorio Catapang at Major General Edmundo Pangilinan.

Nabanggit naman ng senador na kahit nakabakasyon ang Senado, magsasagawa ng hearing si Sen. Bongbong Marcos sa Abril 13 kaugnay ng Bangsamoro Basic Law (BBL), kung saan mahigpit na hiniling nito sa MILF na ibigay na sa kanyang komite ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa insidente.

Tags: , , , , , ,