Imbestigasyon sa apat na heneral na nakita sa meeting ng mga staff ng isang presidentiable, nasa PNP Internal Affairs Service na

by Radyo La Verdad | April 14, 2016 (Thursday) | 1078

WILBEN-MAYOR
Ipinasa na ng Directorate for Police Community Relations sa Internal Affairs Service o IAS ang kaso ng apat na Heneral na nakitang nakikipagpulong sa mga staff ng isang presidentiable sa isang hotel sa Quezon City.

Sinabi ni Directorate for Police Community Relations o DPCR Chief PCSupt Wilben Mayor na hindi sinagot ng apat na Heneral ang ipinadalang memorandum upang magpaliwanag.

Dahil dito nagpasyaang DPCR na ilipat ang kaso sa IAS.

Sinabi ni Mayor na mayroong hanggang Biyernes ang apat na heneral upang magsumite ng paliwanag sa IAS at saka pa lamang sila iimbestigahan.

Ang mga Heneral na nakita na nakipagpulong sa staff ng isang presidentiable ay sina Directorate for Intelligence, Police Dir. Generoso Cerbo Jr; Police Region 2 Director PCSupt Reinier Idio; Western Visayas Regional Director P/CSupt Bernardo Diaz; at Southern Tagalog Deputy Director for Administration P/CSupt Ronald Santos.

(Lea Ylagan/UNTV NEWS)

Tags: ,