Desidido si Senator Leila de Lima na ituloy ang nakatakdang senate investigation sa susunod na linggo kaugnay ng mga kaso ng extra judicial killing sa bansa.
Ito ay sa kabila ng mga akusasyon sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Sumagi na rin po sa isipan ko na itigil ang imbestigasyon kapalit ng katahimikan sa aking buhay. Pero kapag ginawa ko po ito ay parang tinalikuran ko na rin ang sarili kong pagkatao, at itinatwa ang sarili kong mga paninindigan at paniniwala. Hindi na po ako ang tatayong kinatawan ng bayan sa senado. Isang huwad na anyo ko na lamang ang tatayo doon. Para ko na rin pong binaon ang aking sariling pagkatao.” Pahayag ng senadora
Inamin din nitong nasasaktan siya sa mga nangyayari ngayon kaya hiniling nito sa kanyang mga kritiko na tigilan na ang paninira sa kanya.
Nakikiusap din ito na huwag na sanang idamay ang mga taong nakapaligid at sumusuporta sa kanya.
Ayon naman sa Malakanyang ,dumipensa lamang ang pangulo sa mga umano’y pinaratang noon ni De Lima.
(Joan Nano/UNTV Radio)
Tags: extra judicial killing