Imbestigasyon ng Kongreso sa Mamasapano encounter, itutuloy matapos ang long holiday

by monaliza | March 18, 2015 (Wednesday) | 1471

UNTVweb__UNTVNEWS__Image_072812_CONGRESS.jpg edited

Kinumpirma ni House Speaker Felicano Belmonte na itutuloy ng Kamara ang naputol nitong imbestigasyon sa engkwentro sa Mamasapano,Maguindanao matapos ang long holiday.

Ayon kay Belmonte, 120 mambabatas na nanawagan para ituloy ang naturang imbestigasyon.

Magpapatuloy sa Abril 7 at 8 ang imbestigasyon ng joint committee ng public order and safety at peace, reconcilliation, and unity.

Samantala may 55 kongresista naman ang pumirma sa liham na ipinadala sa ad hoc committee sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Nakasaad sa liham na mananaitling suspendido ang deliberasyon sa BBL hanggang hindi itinutuloy ang imbestigasyon ng Kamara sa Mamasapano encounter.

Target ng Kongreso na matapos ang BBL sa Hunyo.

Tags: , ,