Bumuo na ang National Police Commission o NAPOLCOM ng grupong mag-iimbestiga sa mga heneral na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y sangkot sa illegal drug trade.
Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao, tututukan ng imbestigasyon ang tatlong police generals na kasalukuyan pang nasa serbisyo na sina Director Joel Pagdilao, Chief Superintendents Bernardo Diaz at Edgardo Tinio.
Ang kaso naman ng retiradong heneral na si Marcelo Garbo Junior, na napabalitang nasa labas ng bansa, ay hahawakan ng Department of the Interior and Local Government.
Ang Department of Justice at National Bureau of Investigation ang hahawak sa kaso sa dating heneral at ngayo’y Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.
Ayon kay Casurao tatapusin nila ang imbestigasyon sa loob ng pitong araw at ang actual summary dismissal proceedings ay maaring tumagal ng isang buwan.
(UNTV News)
Tags: Imbestigasyon at dismissal proceedings, loob ng isang buwan, NAPOLCOM, ‘narco-generals’