Mahigpit na ipinapatupad sa Iloilo City ang kampanya kontra rabies kaya naman mahigit sa tatlong taon nang rabies free ang syudad.
Simula noong 2013 walang naitalang kaso ng rabies ang city Veterinary sa kabila ng patuloy na pagdami ng aso sa siyudad.
Ito ay dahil sa epektibong Tracing at Tracking Program ng City Government kung saan inaalam at iniimbestigahan kung napakunahan na ang mga alagang aso ng dalawang beses sa loob ng isang taon.
Bukod dito may mga gumagala ring beterinaryo sa bawat barangay sa buong siyudad upang bakunahan ang mga asong wala pang anti-rabies.
Tatlong taon ang itatagal ng anti-rabies vaccine sa aso kaya hindi kailangang magpabakuna kada taon.
Mahigpit ding ipinapatupad ang dog impounding lalo na ang mga stray dog.
Bawat taon, nasa dalawang libo ang itinataas na bilang ng mga aso sa siyudad.
Noong 2015 nakapagtala ang City Veterinary Office ng kabuang 36 000 na bilang ng mga aso at ina-asahang tataas pa ito ito sa 38, 000 ngayong 2016.
Sa katapusan ng Pebrero, magsisimula nang mag-ikot sa mga barangay ang City Vet. upang magbakuna na tatagal hanggang sa buwan ng Hunyo.
Target ng Iloilo City Government ng makapagbakuna ng anti-rabbies ng tatlumpong libo alagang aso sa loob ng apat na buwan.
(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)
Tags: Iloilo City, mahigit dalawang taon, rabies