Nakatakdang magsagawa ng ocular sa Iloilo City sa September 26 hanggang 28 ang National Organizing Council para sa nalalapit na 2017 Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit.
Ayon kay Mayor Jed Patrick Mabilog, napili ng NOC ang lungsod na isa sa mga pagdarausan ng ASEAN meetings na dadaluhan ng iba’t ibang deligado mula sa mga bansang kasapi ng ASEAN tulad ng mga ministers at senior officials.
Ang Iloilo City ang naging venue ng tatlong ministerial meetings at dalawang senior official meetings ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Summit noong nakaraang taon.
Ikinatuwa naman ng lokal na pamahalaan ang pagkakataong makapag-host ng international conference dahil malaki ang maitutulong nito hindi lamang sa turismo kundi maging sa pagkuha ng mga posibleng investors sa lungsod.
(Vincent Arboleda / UNTV Correspondent)
Tags: 2017 ASEAN Summit, Iloilo City, isa sa mga napiling maging venue