Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang lalawigan ng Ilocos Sur pasado alas tres ng hapon kahapon.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang sentro ng pagyanig tatlumpu’t limang kilometro hilagang kanluran ng Sta. Catalina, Ilocos Sur.
Tectonic ang origin nito sa lalim na 25 kilometers.
Wala namang naitalang pinsala dahil sa pagyanig ngunit ayon sa PHIVOLCS, asahan na ang pagkakaroon ng mga aftershock.
Tags: Ilocos Sur, lindol, PHIVOLCS