Illegal na mga gamit sa pagsusugal, naharang ng BOC – NAIA

by Erika Endraca | December 9, 2020 (Wednesday) | 21885

METRO MANILA – Hinarang ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 38 parsela na may 77 poker chip-set at iba pang mga gamit sa pagsusugal.

Walang permit mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga naturang paraphernalia at inangkat mula sa Central Mail Exchange Center (CMEC).

Sa koordinasyon ng Philippine Postal Corporation (Philpost) at pagbabantay ng mga frontliner ng BOC-NAIA, Customs Intelligence & Investigation Service (CIIS-NAIA), Enforcement and Security Service (ESS-NAIA), X-ray Inspection Project (XIP-NAIA), ang mga kargamento ay nakumpiska. Lumalabag sa Seksyon 119 ( b) ng RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang mga nahuling gamit sa pagsusugal.

Dadalhin sa Auction at Cargo Disposal Division ang mga naharang na set ng poker chips at iba pang mga gamit sa pagsusugal at ibibigay sa PAGCOR alinsunod sa Seksyon 1147 (b) ng CMTA.

Paiigtingin pa ang pagpapatupad ng smuggling drive ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero at patuloy na poprotektahan ang pangunahing paliparan sa bansa laban sa lahat ng iligal na pag-import ng mga pinaghihigpitang produkto.

(Beth Pilares | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,