Illegal fishing sa bansa bumaba ng 60%- BFAR

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 2130

BFAR
Isang tagumpay para sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na nabawasan ang mga iligal na mangingisda matapos na maipasa noong nakaraang taon ang Republic Act 10654 o Amended Fisheries Code.

Nilinaw naman ni Senador Cynthia Villar, ang may-akda ng batas sa senado na wala sa layunin ang Amended Fisheries Code na labagin ang local government code o apihin man ang maliliit na mangingisda.

Nanawagan naman ang grupong Green Peace na sana’y ang mga presidential candidate ay may plataporma rin sa pangangalaga sa karagatan.

Ayon kay Senador Villar malaki ang pakinabang ng fisheries stakeholders sa Amended Fisheries Code dahil pinayagan na ang bansa na makapag export ng aabot sa anim na libong Philippine products sa European countries.

Sinabi pa ng senador, dapat mabantayang maige ng BFAR ang ilang commercial fisherfolks na gumagamit ng maliliit na mangingisda upang makapagsagawa ng illegal fishing sa municipal waters.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,