Itinuturing ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na pangunahin sa kanyang mga nagawa sa unang taon sa pwesto ang pagkabuwag ng sindikato ng droga sa New Bilibid Prison.
Ngunit aminado ang kalihim na muling nagbabalik ang bentahan ng droga sa bilibid. May mga bilanggo aniya na bagong nadadawit dito pero ang iba dati nang sangkot sa illegal drug trading.
Pero hindi na aniya ito kasinglawak ng dating operasyon na halos 75% ng transaction ng droga sa buong bansa ay nanggaling doon.
Ibinunyag din ng kalihim na ilan sa mga miyembro ng PNP-Special Action Force na nagbabantay sa bilibid ang nabahiran na rin umano ng kurapsyon. Pinaiimbestigahan na aniya ang mga ito at posibleng makasuhan.
Kinumpirma rin ito ni Bucor Director General Benjamin Delos Santos kung kayat papalitan na nila ito ng mga tauhan ng Philippine Marines.
Pero dahil abala pa ang mga sundalo sa bakbakan sa Marawi ibang SAF na muna ang pagbabantayin sa bilibid.
(Roderic Mendoza / UNTV News Reporter)
Tags: new bilibid prison, Sec. Aguirre