Iligal na pagpapadala ng basura sa PH, iimbestigahan na ng South Korean Environment

by Radyo La Verdad | February 9, 2019 (Saturday) | 5923

Manila, Philippines – Sinimulan na ng South Korean Government ang imbestigasyon tungkol sa nangyaring pagpapadala ng tone-toneladang basura sa Pilipinas.

Nakarating na sa Pyeongtaek Port sa South Korea noong Linggo ang 51 containers na naglalaman ng 1,200 toneladang iligal na basura na naipadala sa Cagayan de Oro Port sa Mindanao.

Una nang idineklara na kahoy, salamin, plastik at electronic waste ang laman ng mga container.

Nasa 5,100 tonelada pa ng basura na nasa Mindanao ang nakatakdang i-biyahe pabalik ng South Korea.

Ayon sa Han Rivee Basin Environmental Office, bahagi ng isasagawang imbestigasyon ang mapigilang maulit ang insidente.

Tags: , ,