Ilang transport group, naghain ng mosyon upang itaas ang pasahe sa jeep

by Radyo La Verdad | May 31, 2016 (Tuesday) | 1160

MON_TRANSPOST-GROUP
Muling humiling sa tanggapan ng land transportation Franchising and Regulatory Board ang mga transport group na taas pasahe sa jeep.

Provisional fare hike lamang na 07.50 ang hinihiling nila at nakahanda umano silang ibalik sa P7.00 ang pasahe kapag bumaba na ang presyo ng produktong petrolyo.

Ika-apat na linggo na ngayon kung saan patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa world market.

Ayon sa Alliance of Concerned Transport Operators o ACTO, malaki na ang nalugi sa kanila nitong bakasyon kaya’t umaasa silang makakabawi sa paguumpisa ng klase sa June 13.

Ayon naman sa Department of Energy, kahit apat na beses ng tumaas ang presyo ng produktong petrolyo ay mababa pa rin ito kumpara sa dating presyo nito na umabot ng mahigit limampung piso kada litro kung kaya’t hindi pa rin napapanahon na magtaas ng pasahe sa jeep.

Sa ngayon ay wala pang tumututol sa mosyon na inihain ng ACTO sa taas pasahe sa jeep sa Metro Manila.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,