Ilang taxpayer tutol sa automated tax filing ng BIR

by Radyo La Verdad | April 7, 2015 (Tuesday) | 1611

IMAGE_UNTV-news_05232014_BIR-FACADE

Tutol ang ilang taxpayer sa automated tax filing na bagong polisiya ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Nitong nakaraan March 17, inilabas ng BIR ang kautusan na bago mag-April 15 ay kailangang nakapag-enrol na sa E-BIR forms ang pitong taxpayers group;

Kabilang na dito ang tax agents na karaniwang kumakatawan sa professionals, at maliliit na negosyante at empleyado na nagpa-file ng ‘no payment return’.

Ang mga hindi susunod ay pagmumulthain ng P1,000 at 25-percent ng buwis na dapat bayaran. Kahit ang mga maagang nakapag-file ng ITR gamit ang dating form, kailangan pa ring mag-enrol online para hindi magmulta.

Umaapela naman ang Tax Management Association of the Philippines na ipagpaliban muna ang polisiya dahil hindi lahat ng taxpayers ay computer literate.

Isa pa umanong problema ang tila hindi pa handang sistema dahil marami umano silang nakukuhang reklamo na mahirap i-access ang website.

Pero ayon sa BIR, inaasahan na nila ang pagtutol ng tax payers sa bagong sistema at normal lang ang nae-encounter na mga problema dahil nasa ‘birthing phase’ pa ito. Sa ngayon ay gumagawa na umano sila ng paraan para mapabilis ang sistema.

Para mag-enrol sa online filing system, pumunta lamang sa website ng BIR, i-click ang E-BIR forms, idownload ang E-BIR form package, punan ito, ivalidate at i-submit. May matatanggap na email kapag naka-enrol ka na, maari nang magbayad ang isang taxpayer.

Tags: , ,