Ilang sidewalk vendor inerereklamo ang clearing operation ng Mabuhay Lanes sa Maynila

by Radyo La Verdad | November 11, 2015 (Wednesday) | 1514

SCOG
Sinimulan ngayon martes ng Metropolitan Manila Development Authority ang clearing operations sa Rizal Avenue, bilang pagpapatuloy ng pagsasaayos ng Route 13 at 14 ng Mabuhay Lanes bilang paghahanda sa APEC Summit sa susunod na linggo.

Lahat ng ilegal na nakaparadang sasakyan, ilegal vendors at gamit ng mga natutulog sa bangketa ay pinaghahakot ng mga tauhan ng MMDA.

Pagkatapos sa Rizal Avenue dumiretso sa Carriedo Street ang grupo, kanya kanyang tabi naman ang mga vendor sa kanilang mga paninda na nakaharang sa daan.

Ayon sa ilang tindera, kadalasan ay nauuwi sa kumosyon ang clearing operation.

Isa pa sa iginigiit nila, hindi rin makakadaan ang anumang klase ng sasakyan sa Carriedo Street dahil may hukay at ginawa ang tubo ng tubig.

Ipinakita naman ng MMDA ang kautusan na galing ng Department of Interior and Local Government kaya kahit may hukay at hindi makakadaan ang sasakyan ay tuloy parin ang clearing operation.

Biglang natigil ang operasyon ng MMDA nang maglabas ng permit ang mga vendor galing sa Manila City hall na makapetsa noong Pebrero ngayong taon.

Ayon sa mga nagtitinda taon-taon silang may permit sa lugar at araw araw din silang nagbabayad sa pagtiinda kaya legal kanilang pwesto.

Sa huli hindi na itinuloy ang operasyon at ipinagpatuloy nalang ng MMDA ang pagtotow sa mga ilegal parking at ilegal vendor sa Rizal Avenue.

Icoordinate umano nila sa City Hall ang naturang permit upang maiklaro at makikipag-ugnayan din sila sa DPWH upang matapos na ang sa ginagawang kalsada. (Benedict Galazan/UNTV News)

Tags: ,