Ilang senatorial candidates, nagsumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenses ngayong araw

by Radyo La Verdad | June 7, 2016 (Tuesday) | 1146

VICTOR_SOCE
Isa sa mga nagsumite ng kaniyang Statement of Contributions and Expenditures ngayong araw si Senator-elect Panfilo Lacson.

Sa kaniyang SOCE nakasaad na mahigit 90 million pesos ang tinanggap niyang kontribusyon habang 87.9 million pesos ang naging gastos nito sa kampanya.

Nagsumite rin ng contributions and expenditures report si Alma Moreno na tumakbo sa pagkasenador.

Sa kaniyang SOCE walang siyang natanggap na kontribusyon habang 134 thousand pesos naman ang kaniyang gastos para sa travel, rent ng campaign headquarters at political rallies.

Wala siyang gastos para sa media ads.

Naghain din ng SOCE si Senator-elect Ralph Recto.

Dadaan naman sa pagsusuri ng COMELEC ang mga dokumentong isinumite ng mga kandidato.

Tutukuyin ng komisyon kung lumampas ang kandidato sa campaign expenditure limit at kung legal ang pinanggalingan ng pondo.

Sa tala ng COMELEC 4 pa lang sa 50 kandidato sa pagka senador ang nagsumite ng SOCE.

Habang wala pang 50% sa mga partylist group ang nagsumite ng ulat.

Sa hanay ng mga tumakbong presidente at bise presidente ay wala pang nakakapagsumite ng SOCE.

Bukas na ang deadline ng COMELEC para sa pagsusumite ng statement of contributions and expenditures at una nang iginiit ng poll body na wala na silang ibibigay na extension para dito.

Inaasahan naman ng poll body na dadagsa bukas ang mga magsusumite ng SOCE.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: ,