Ilang senador, suportado ang plano ni Pangulong Duterte na ideklarang terrorist group ang NPA

by Radyo La Verdad | November 21, 2017 (Tuesday) | 3310

Sang-ayon ang ilang senador sa plano ni Pang. Rodrigo Duterte na ideklara na bilang teroristang grupo ang New People’s Army.

Ayon kay Senate Majority Leader Senator Vicente Sotto III, may sapat na batayan ang Pangulo upang gawin ito, ganito rin ang pananaw ng dating hepe ng Philippine National Police na si Senator Panfilo Lacson.

Hindi naman kumbinsido si Senator Antonio Trillanes IV sa plano na ito ng Pangulo.

Ang naturang plano ay nag-ugat sa sunod-sunod na pag-atake ng mga rebelde partikular na ang pagkakapatay sa isang sanggol at dalawang sibilyan sa isang ambush sa Bukidnon noong ika-siyam ng Nobyembre.

Bagamat humingi na ng paumanhin ang rebel group sa nangyari, hindi ito katanggap-tanggap para sa Pangulo.

Ang NPA ay nasa terror list ng Amerika simula pa noong taong 2002.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,