Nagtataka ang ilang senador kung bakit hindi mabigyan ng permiso ng Philippine Reclamation Authority na makapaglagay vermicomposting facility sa Las Piñas Parañaque Critical Habitat and Eco-Tourisim Area o LPPCHEA.
Ang vermicomposting facility ang magrerecycle ng mga basura sa lugar upang magamit na pataba sa mga itinatanim na bakawan.
Noon pang Pebrero ngayong taon hiniling ng non-government organization na makapaglagay ng vermicoposting facility sa 240 square meter na eco–tourism area.
Ngunit hanggang sa ngayon ay hindi inaaprubahan Ng Philippine Reclamation Authority na siyang na mamahala sa lugar.
Paliwanag naman ang mga opisyal ng PRA sa komite may audit observation pa ang COA sa LPPCHEA na dapat munang maresolba gayundin ang mga kaso na inihain ng pea-amari sa 80 hectare property.
Wala namang nakikitang problema ang Governance Commission for GOCC kung payagan man ang nasabing proyekto sa LPPCHEA.
Maghahanda ng resolusyon sina Senador Loren Legarda at Cynthia Villar upang rebyuhin ang charter ng PRA.
May inilaan ng 50 million pesos ang DENR at Dept. of Tourism para sa development ng LPPCHEA.
(Bryan de Paz/UNTV NEWS)
Tags: Las Piñas Parañaque Critical Habitat and Eco-Tourisim Area, vermicomposting facility