Mabagal na implementasyon ng free WiFi sa SUCs, kinalampag ng Senado

by Radyo La Verdad | August 24, 2018 (Friday) | 2759

METRO MANILA, Philippines – Nababagalan ang ilang mga senador sa implementasyon ng free WiFi project sa lahat ng state universities at colleges (SUCs) sa bansa.

Base sa datos ng Department of Information and Communications Technology (DICT) noong Hulyo, dalawa sa 112 SUC’s pa lamang ang nakabitan ng free internet connectivity. Ito ay ang Aklan State University at ang Caraga State University.

Ayon kay Senator Sonny Angara, dismayado siya sa naging estado ng pagpapatupad ng proyekto na inaasahan sana na malaking tulong sa mga estudyante.

Ang free WiFi project naman ngayong 2018 ay may kabuuang budget na 1.7 bilyong piso, kung saan nakapaloob ang 327 milyong piso na inilaan para sa mga state universities.

Inaasahan ng senador na magpapaliwanag sa Senate Committee ang DICT sa dahilan ng pagkaantala ng proyekto at mga hakbang na gagawin upang mapabilis ang implementasyon ng proyekto.

Sa ilalim ng 2019 proposed budget, 280 milyong piso ang inilaan para sa free WiFi sa SUC’s

 

Tags: , ,