Ilang senador, isinusulong ang hiwalay na departamento na mangangasiwa sa pagtugon sa mga sakuna

by Radyo La Verdad | March 7, 2018 (Wednesday) | 3972

Kinuwestyon ng oversight committee on the Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang rehabilitation effort sa mga lugar na naapektuhan ng Zamboanga siege at super typhoon Yolanda noong 2013.

Ayon kay Senator Gringo Honasan, hanggang ngayon ay may ilan pa rin sa mga pamilya sa Tacloban City ang wala pa ring permanenteng tahanan.

Dahil sa tila mabagal na implementasyon ng mga programa, para kay Senator Panfilo Lacson, napapanahon para isulong ang pagtatatag ng isang departamento para sa disaster management. Suportado naman ito ng mga ahensya ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan ay nasa technical working group na sa Lower House ang panukalang hiwalay na ahensya o departamento sa disaster management.

Isusulong naman ng senador na agad na makapasa ang counterpart bill na ito sa Senado. Sakaling ito ay makapasa, agad na bubuwagin ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of the Civil Defense (OCD).

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,