Ilang senador, duda sa panibagong ouster plot matrix ng malakanyang

by Erika Endraca | May 10, 2019 (Friday) | 41062

Manila, Philippines – Duda ang ilan sa mga senador sa inilabas ng malakanyang na umano’y panibagong ouster plot matrix.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, 2 pangalan sa matrix ay kwestiyonable at wala siyang nakikitang paraan upang ito ay makasali sa anumang destablisasyon.

Tinukoy ni senator panfilo lacson ang atletang si Hidilyn Diaz at tv host Gretchen Ho na mga personalidad na hindi kapani-paniwalang mapapabilang sa nasabing matrix.

Dati nang itinanggi nina Diaz at ho na may kinalaman sila dito at ikinagulat pa ang pagkakasama nila sa matrix.

Para kay Senator jv ejercito, wala siyang nakikitang posibilidad na mapatalsik sa pwesto ang pangulo.

“She has brought honor and pride, prestige to the country. Tapos biglang masasali roon. May time ba ang bata makialam sa destabilization? And then gretchen ho. She has started to carve out a name for herself sa media, parang napaka-unlikely.” ani Sen. Panfilo lacson.

 “Yung matrix, i don’t think there is any danger of overthrowing the president considering that he enjoys 70-80% approval” ani Sen. Joseph Victor Ejercito.

(Nel Maribojoc | Untv News)

Tags: , ,