SENATE of the Philippines – Lumutang sa pagdinig ng Senado ang iba’t ibang isyu ukol sa pagpapatupad ng Republict Act Number 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ilan sa mga senador ay nagpahayag agad ng pagkadismaya sa tila maling intrepretasyon sa pagpapatupad ng batas. Partikular na dito ang pagbabawas ng sentensya dahil sa ipinapakitang magandang asal ng mga bilanggo.
“The following month, magbi-behave ako , menus na naman ako 30, 60 days dahil dalawang buwan akong behave, so it applies to whatever criminal act, whether it is rape, etc, which obviously absurd” ani Sen. Francis Pangilinan.
Nakuwestiyon naman ni Senator Ralph Recto ang kapangyarihan ng Bureau Of Corrections Chief na magutos ng maagang pagpapalaya sa mga inmate sa ilalim ng GCTA.
“The title alone says grants time allowance, tagabigay lang ng time allowance at tagabilang lang but not to release” ani Senator Ralph Recto.
Ayon naman kay Senator Francis Tolentino, dapat ay gumawa na agad ng hakbang noon pa man ang Department of Justice (DOJ) at Bucor sa isyu sa implementing rules and regulations ng batas nang magdesisyon ang korte suprema noong June 2019 na dapat makinabang rin ang mga nabilanggo bago naipasa ang nasabing batas.
Samantala ayon naman kay senator Bong Go, nang malaman ni Pangulong Duterte ang ulat na maagang pagpapalaya kay Dating Mayor Antonio Sanchez ay agad na tinawagan si Bucor Chief Nicanor Faeldon.
Batay naman sa datos ng Bucor, nasa 200 inmates pa lang ang napalaya sa ilalim ng naturang batas.
(Nel Maribojoc | UNTV News)
Tags: Senate