Ilang Russian businessmen, interesado sa mga agricltural products ng Pilipinas – DA

by Radyo La Verdad | November 22, 2017 (Wednesday) | 3042

Isa ang Pilipinas sa may pinakamalaking aquatic resources sa buong mundo. Katunayan, panlima ang Pilipinas sa may pinakamahabang coastlines sa daigdig na aabot sa 36,000 kilometers.

Dagdag pa rito ang patuloy na pagtaas ng kapasidad ng Pilipinas sa pag-ani ng ilang agricultural products gaya ng palay. Mula sa average na 3.9 metric tons per hectare per harvest na ani ng palay noong nakaraang taon, tumaas ito sa 4.38 metric tons.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, interesado ngayon ang bansang Russia na makipag-ugnayan sa Pilipinas pagdating sa mga agricultural products. Upang matugunan ito, isa sa mga hakbang ng Department of Agriculture ay ang magkaroon ng air link ang Pilipinas at Russia.

Kakausapin ng DA ang ilang airline companies sa Pilipinas hinggil sa posibilidad ng pagkakaroon ng direct flight sa Russia.

Ayon sa kalihim, sang-ayon naman ang Pangulo sa proyekto. Aniya, malaki ang demand na hinihingi ng russia sa mga produkto sa Pilipinas.

Sa ngayon ay sinisimulan na ng kagawaran ang mga hakbang tungo sa magandang ugnayan ng Pilipinas at Russia.

 

( Rajel Adora / UNTV Correspondent )

Tags: , ,