Ilang runway sa airport terminals sa Metro Manila, pansamantalang isasara simula February 2018

by Radyo La Verdad | December 5, 2017 (Tuesday) | 1991


Patuloy na gumagawa ng paraan ang Department of Transportation upang masolusyunan ang congestion sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, sa ngayon ay may 13 radar stations sa bansa na inaasahang makatutulong sa air traffic management.

Kabilang din sa plano ang pagdaragdag ng nasa 500 immigration officers upang maiwasan ang mahabang pila ng mga pasahero na nagdudulot ng pagsisikip sa mga airport terminal.

Sisimulan na rin sa Pebrero ng susunod na taon ang rapid exit taxiways na magpapabilis sa paglabas ng mga eroplano upang makalapag ang susunod na parating na flight.

Ngunit kaakibat nito ay ang posibleng pagbabawas ng mga flight schedule pagpasok ng summer season. Sa pagtataya ng MIAA, sa limang oras kada araw na pagsasara ng ilang runways, 93 na malalaking aircraft ang maaaring maapektuhan.

Target ng DOTr na matapos ang proyekto sa August 2018.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,