Ilang residenteng nakatira sa paligid ng Mt. Bulusan, nagsimula nang lumikas

by Radyo La Verdad | October 25, 2016 (Tuesday) | 940

photo-copyright-recovered-recovered
Apat na-steam driven o phreatic eruption ng Mt.Bulusan ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology nitong nakalipas na linggo.

Pinakahuli nga dito ay ang two-point-five kilometer high na ibinugang abo ng bulkan noong linggo ng hapon na tumagal ng tinatayang labing limang minuto.

Ayon kay PHIVOLCS Resident Volcanologist Dr. Ed Laguerta, mayroong nakitang panibagong pumuputok na vent sa ibabang bahagi ng eastern side ng bulkan.

Ito ang dahilan ng paglalagay ng 2-kilometer extended buffer zone na sumasakop sa ilang barangay ng Irosin, Sorsogon.

Nagbabala naman ang PHIVOLCS sa panganib na maaaring idulot ng pagbuga ng abo ng bulusan sa mga residente sa paligid nito.

Dahil sa pangamba sa kaligtasan, ilang residente na ang nagpasyang lumikas.

Ayon naman sa kapitan ng barangay, sinimulan na nila ang pagbabahay-bahay upang magpaalala sa mga residente.

Inaasahan namang madaragdagan pa ang bilang ng evacuees sa lugar habang patuloy na nagpapakita ng abnormalidad ang Mt. Bulusan.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: ,