Ilang residente sa Zamboanga City, tutol na magkaroon pa ng hearing kaugnay ng Bangsamoro Basic Law sa lungsod

by Radyo La Verdad | February 20, 2018 (Tuesday) | 13498

Sa March 2 ay nakatakdang muling magsagawa ng pagdinig ang Kamara sa Zamboanga City kaugnay ng isinusulong na Bangsamoro Basic Law. Ngunit ayon sa mga residente, hindi na ito dapat ituloy pa.

Matagal na anilang tinututulan ang pagsasailalim sa lungsod sa Bangsamoro Autonomous Region at hindi na mababago ang kanilang desisyon ng mga isinasawang konsultasyon ng Kongreso.

Naniniwala rin ang marami na maaaring politically motivated ang sinomang nagpanukala ng mga pagdinig. Ilang ulit na ring sinabi ng lokal na pamahalaan na hindi sila interesadong mapabilang sa bubuoing Bangsamoro Region.

Sa ngayon anila ay dapat mas pagtuunan na lang ng mga mambabatas ng panahon ang mga lugar na payag mapabilang sa Bangsamoro Region.

(Dante Amento / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , , ,